HEEELP

18 years old po ako ngayon at 19 manganganak nung una hindi na natanggap ng mga kaptid ko pero inintindi nila ako supporta naman sila sa lahat pero ayaw nila sa boyfriend ko kahit nag bibigay sya saken every sahod nya at binibilhan nya ako ng mga gatas ko at sobrang mahal nya talaga ako lagi sya nag oot pero sinasabe ng mga pamilya ko na pag tapos ko manganak hiwalayan ko na sya at iwan mag sikap ako makapag tapos kase mahirap lang boyfriend ko pero kahit ganun ginawa nya lahat pero hindi sya tanggap ng pamilya ko ano na gagawin ko :( ayaw ko iwan sya kase mahal ko sya at nakikita ko naman na ginagawa nya lahat ano ba dapat sundin ko pamilya ko ba?

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Medyo may similarities po tayo sa sitwasyon dati. 19 years old na po ako and malapit na po ako manganak. Para po sakin, kung ramdam mo naman po na pananagutan ka ng BF mo at talagang seryoso po siya sa'yo ipaglaban mo po. Patunayan mo po sa mga pamilya mo na kaya niyo pong dalawa para kay baby. Dapat nga po na matuwa sila dahil di po tinakasan ng BF mo ang responsibilidad niya bilang daddy ng baby niyo. Nung sa akin po kasi, di po talaga namin plano pero nung nalaman ng BF ko natuwa siya at sinabi niya na handa niya kaming panindigan. Nagsumikap po siya sa trabaho niya and pinatunayan po niya sa pamilya ko na seryoso po siya. Ngayon po, okay na po kaming lahat, tanggap na po siya ng pamilya ko and magkasama po kami ngayon para maalagaan niya po ako. Kaya kung mahal niyo naman po ang isa't isa and seryoso po si BF para sa inyo ni baby, fight lang po. Pray lang din po. Matatanggap din po nila si BF basta huwag muna din agad susundan si baby. Magiging okay din po ang lahat.

Magbasa pa