HEEELP

18 years old po ako ngayon at 19 manganganak nung una hindi na natanggap ng mga kaptid ko pero inintindi nila ako supporta naman sila sa lahat pero ayaw nila sa boyfriend ko kahit nag bibigay sya saken every sahod nya at binibilhan nya ako ng mga gatas ko at sobrang mahal nya talaga ako lagi sya nag oot pero sinasabe ng mga pamilya ko na pag tapos ko manganak hiwalayan ko na sya at iwan mag sikap ako makapag tapos kase mahirap lang boyfriend ko pero kahit ganun ginawa nya lahat pero hindi sya tanggap ng pamilya ko ano na gagawin ko :( ayaw ko iwan sya kase mahal ko sya at nakikita ko naman na ginagawa nya lahat ano ba dapat sundin ko pamilya ko ba?

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Responsable naman ang bf mo sayo.. At gurl hindi lahat ng pagkakataon susundin mo family mo, kung anong tingin mong makakabuti mag-stick ka dun. Ako kasi ganyan din sinasabi ng parents ko sakin hanggang 2nd tri ko, sinasabi nilang hiwalayan ko siya, gusto pa nilang sa kanila ko isunod ang surname ni baby.. Hindi ako nakikinig, nginingitian ko lang pero deep inside gusto ko na maiyak para sa daddy ng anak ko... Kumbaga hindi nila nakikita yung paghihirap nya doon. Alam ko kasi kung gaano kahirap ginagawa nya sa work nya, pati mga sakripisyo nya. LDR pa kami. Diba nga sabi sa wedding vows, "through thick and thin, in sickness and in health" .. Suportahan mo palagi ang bf mo, payo ko lang din na sana iwasan mo makapagbitaw ng masasakit na salita sa kanya lalo kung tungkol dyan sa ayaw ng family mo sa kanya, pero sana matatag loob nya kung sakaling may marinig syang negative... BANGON TAYO SIS. Di hadlang si baby para makabangon ulit. Note ko rin yan para sa sarili ko. God bless and Good luck. 😊😊😊

Magbasa pa
7y ago

@Hazel, ako naman 35 weeks na ngayon, nung una gusto nila makasal agad kami lalo na nung nalaman nilang buntis ako, gusto nila nun by December or January makasal na kami pero hectic kasi masyado sched ni bf dahil na rin sa work nya and once a month lang sya nun makauwi samin, last na uwi nya January 22 pa, so paano makakasal diba? Haha. 4 mos na yata tiyan ko nung sabihin nila sakin wag nalang daw kami magpakasal tapos ipangalan nalang sa kanila yung anak ko. Naisip ko na siguro iniisip nila na baka walang plano si bf na pakasalan ako kasi di na umuuwi. Pero ngayon okay naman na, hindi na nila inoopen up yung topic na yon. Convince mo lang din sila sis, basta panindigan natin desisyon natin o patunayan natin sila na tama ang mga naging desisyon natin. 😊