PLEASE RESPECT MY POST😭😭 "BATANG INA"

18 lang po ako at ang bf ko po ay 20. Nalaman kong preggy ako nitong december 27 2022 nag pt ako tatlo lahat positive umiyak nalang ako kase di ko inexpect na mag positive talaga at bigla nalang dun pumasok lahat ng pag ooverthink ko na baka di matanggap nina mama kase nag aaral pako and ang bata ko pa,pero nag usap kami nang bf ko non kung ano desisyon namen dalwa nung una napagkasunduan pa namen na ipalaglag nalang pero nung habang nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko dahil buntis nga ako wala lang ako ginawa kundi mag dasal at umiyak iniisip ko lahat kung itutuloy namen pero naisip ko nalang na di nalang ituloy dahil sa takot ko sa diyos at ginawa namen to panindigan nalang at sumang ayon din kagad yung bf ko kase di naman nya pinipilit na ipalaglag to kaya naman daw nya kami buhayin ng magiging anak nya takot lang talaga sya sa magiging reaction ng magulang ko dahil saken pa nagka unang apo sina mama tapos naunahan ko pa dalwa kong kua, 3 months na po tyan ko ngayon pero hanggang ngayon tinatago ko padin sa magulang ko pag bubuntis ko natatakot ako na baka di nila matanggap at alam ko na mahirap buhay ngayon ayoko pa sana dumagdag pako sa isipin nila kaya kami nlg ng bf ko nag aasikaso, nag wowork nadin po sya kasabay ng pag aaral mahirap pero kakayanin po para sa baby namen kung ano dapat gawin at inumin para maging healthy at maayos kami baby ko.

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I feel you po 17 years old po ako then 20 Yung bf ko diko alam na buntis na pala ako ning march, syempre na takot din ako sa magulang ko kaya tinago ko Hanggang 4 months, alam Kong nahahalata na nila tummy ko, grabe Yung kaba ko tuwing uuwi ako sa amin every sunday. Nag aaral Rin ako grade 11 senior high, Nag start na din Ang bf ko sapag trabaho, Hanggang napag desisyonan namin na aminin na... di Naman nagalit mga magulang ko, unang apo Rin nila sa akin to sinabihan lang kamo Ng magulang ko na buhayin Ang Bata, alagaan, mahalin at palakihin wag daw ipapalaglag kaya nong nanganak na ako tuwang tuwa po sila at Ngayon 3 months old napo Yung baby girl ko ngayun chubby and healthy 🥰🥰 kaya kahit Anong kaba at takot payan, aminin nyo napo sa kanila, nagalit man sila alam Kong tatanggapin Rin nila Yung baby mo🥰🥰 good luck po sa inyung dalawa Ng bf mo and I wish you a safely delivery of your baby🥰🥰

Magbasa pa
12mo ago

thank you Rin po🥰🥰