PLEASE RESPECT MY POST😭😭 "BATANG INA"

18 lang po ako at ang bf ko po ay 20. Nalaman kong preggy ako nitong december 27 2022 nag pt ako tatlo lahat positive umiyak nalang ako kase di ko inexpect na mag positive talaga at bigla nalang dun pumasok lahat ng pag ooverthink ko na baka di matanggap nina mama kase nag aaral pako and ang bata ko pa,pero nag usap kami nang bf ko non kung ano desisyon namen dalwa nung una napagkasunduan pa namen na ipalaglag nalang pero nung habang nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko dahil buntis nga ako wala lang ako ginawa kundi mag dasal at umiyak iniisip ko lahat kung itutuloy namen pero naisip ko nalang na di nalang ituloy dahil sa takot ko sa diyos at ginawa namen to panindigan nalang at sumang ayon din kagad yung bf ko kase di naman nya pinipilit na ipalaglag to kaya naman daw nya kami buhayin ng magiging anak nya takot lang talaga sya sa magiging reaction ng magulang ko dahil saken pa nagka unang apo sina mama tapos naunahan ko pa dalwa kong kua, 3 months na po tyan ko ngayon pero hanggang ngayon tinatago ko padin sa magulang ko pag bubuntis ko natatakot ako na baka di nila matanggap at alam ko na mahirap buhay ngayon ayoko pa sana dumagdag pako sa isipin nila kaya kami nlg ng bf ko nag aasikaso, nag wowork nadin po sya kasabay ng pag aaral mahirap pero kakayanin po para sa baby namen kung ano dapat gawin at inumin para maging healthy at maayos kami baby ko.

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nag aaral din ako nung nabuntis ako. Sobrang strict din ng parents ko na tothe point na ayaw ng tatay ko na magkajowa ako. Yung nanay ko sobrang masakit yan magsalita kaya idinaan ko nalang sa pagsulat ng letter. I included pictures of my ultrasound. I think that was the first time na magsulat ako ng heartfelt letter. Di kasi kami sanay na magshow ng feelings sa family namin. Nagalit sila sa simula, pero ngayon? Pinalangga na nila ang baby ko. Take your time na magsabi sa kanila. Huwag mo lang paabutin na sa iba nila malaman. All will be alright in time. Sending hugs💛

Magbasa pa