PLEASE RESPECT MY POST😭😭 "BATANG INA"

18 lang po ako at ang bf ko po ay 20. Nalaman kong preggy ako nitong december 27 2022 nag pt ako tatlo lahat positive umiyak nalang ako kase di ko inexpect na mag positive talaga at bigla nalang dun pumasok lahat ng pag ooverthink ko na baka di matanggap nina mama kase nag aaral pako and ang bata ko pa,pero nag usap kami nang bf ko non kung ano desisyon namen dalwa nung una napagkasunduan pa namen na ipalaglag nalang pero nung habang nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko dahil buntis nga ako wala lang ako ginawa kundi mag dasal at umiyak iniisip ko lahat kung itutuloy namen pero naisip ko nalang na di nalang ituloy dahil sa takot ko sa diyos at ginawa namen to panindigan nalang at sumang ayon din kagad yung bf ko kase di naman nya pinipilit na ipalaglag to kaya naman daw nya kami buhayin ng magiging anak nya takot lang talaga sya sa magiging reaction ng magulang ko dahil saken pa nagka unang apo sina mama tapos naunahan ko pa dalwa kong kua, 3 months na po tyan ko ngayon pero hanggang ngayon tinatago ko padin sa magulang ko pag bubuntis ko natatakot ako na baka di nila matanggap at alam ko na mahirap buhay ngayon ayoko pa sana dumagdag pako sa isipin nila kaya kami nlg ng bf ko nag aasikaso, nag wowork nadin po sya kasabay ng pag aaral mahirap pero kakayanin po para sa baby namen kung ano dapat gawin at inumin para maging healthy at maayos kami baby ko.

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ipaalam mo na po sa parents mo. Pareho lang po yan maaga or late mo po ipaalam same reaction lang po. Pero ang mas maganda kung maaga mo po maipaalam ay mababawasan kinikimkim mo...Nakakainom ka ba ng prenatal vitamins at nakapagpa ultrasound ka na ba? By mean itago sana di ka nagsusuot ng mga masisikip na damit. May ganyan kasi akong case na alam estudyante pa lang siya then tinago niya sa parents niya kaya ginagawa niya nag susuot siya nang masisikip para di makita yong umbok ng tyan niya tas nong manganganak na siya saka nalaman ng parents kaya lang yong baby di na fully developed kasi naiipit pala sa loob ng tyan. Iyak siya nang iyak sa huli nagsisi siya. Huwag ka masyado pa stress mamsh. Pray lang po and take care of yourself. Pag inalagaan mo sarili mo inaalagaan mo rin si baby. Stay strong po.

Magbasa pa
1y ago

Hi po thankyou po sa good comment opo di pa po alam nina mama pupunta naman po family nung bf ko sa bahay at sila po ang magsasabi sa family ko kaharap po kaming dalwa ng bf ko respeto nadin po sa family ko para iwas sama din po ng loob kase po naitago ko po ng 3 months di pa po ako nakakapag pacheck up pero nainom po ako ng vitamins para sa baby ko di din po ako nagsusuot ng mga masisikip na damit halos naka tshirt na luwag at dress na luwag po suot ko kase ang laki nadin po ng tyan ko at malikot na sya HAHAHAHAHAH alam ko po na alam na ng family ko gawa din po sa sinusuot ko and halata na po kase tlga sya inaantay lang po ako siguro nina mama mag sabi