PLEASE RESPECT MY POST😭😭 "BATANG INA"

18 lang po ako at ang bf ko po ay 20. Nalaman kong preggy ako nitong december 27 2022 nag pt ako tatlo lahat positive umiyak nalang ako kase di ko inexpect na mag positive talaga at bigla nalang dun pumasok lahat ng pag ooverthink ko na baka di matanggap nina mama kase nag aaral pako and ang bata ko pa,pero nag usap kami nang bf ko non kung ano desisyon namen dalwa nung una napagkasunduan pa namen na ipalaglag nalang pero nung habang nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko dahil buntis nga ako wala lang ako ginawa kundi mag dasal at umiyak iniisip ko lahat kung itutuloy namen pero naisip ko nalang na di nalang ituloy dahil sa takot ko sa diyos at ginawa namen to panindigan nalang at sumang ayon din kagad yung bf ko kase di naman nya pinipilit na ipalaglag to kaya naman daw nya kami buhayin ng magiging anak nya takot lang talaga sya sa magiging reaction ng magulang ko dahil saken pa nagka unang apo sina mama tapos naunahan ko pa dalwa kong kua, 3 months na po tyan ko ngayon pero hanggang ngayon tinatago ko padin sa magulang ko pag bubuntis ko natatakot ako na baka di nila matanggap at alam ko na mahirap buhay ngayon ayoko pa sana dumagdag pako sa isipin nila kaya kami nlg ng bf ko nag aasikaso, nag wowork nadin po sya kasabay ng pag aaral mahirap pero kakayanin po para sa baby namen kung ano dapat gawin at inumin para maging healthy at maayos kami baby ko.

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi. I’m going through the same thing as you. I’m only 20. Turning 21 this April. Nag-aaral din (2nd year college) and currently 12 weeks pregnant. I still haven’t had the guts to tell my family na buntis ako. Wala akong courage at natatakot ako na makita yung disappointment sa mga mukha nila kasi they look up to me & they never fail to remind me na mag-aral ng maayos. Nakokonsensya ako kasi I’m very well-taken care of by my family. Ni gawaing bahay, paglaba, o ano paman yan wala akong ginagawa. Provided na lahat. Kasi they expect me to focus sa school. They kept telling me to resign sa work kasi ayaw nila nahihirapan ako at wala akong enough rest (I’m a working student by choice, di po ako inoobliga) It’s really difficult, ho. Walang araw na di ako naguguilty. I still don’t have an exact plan on how I could tell them the truth.Dko parin maimagine. D ko din alam pano ko sasabihin. I really don’t know. I’m scared and frustrated as you. You are not alone. 😔

Magbasa pa
1y ago

hello same tayo ng sitwasyon takot din ako ma disappointed family ko gawa nag aaral din ako pero nag stop ako ngayon sa pag aaral gawa sa pag bubuntis ko kase nahihirapan ako tas stress pa palagi at ayoko din mapano baby ko, pumayag family ko sa pag stop ko and hanggang ngayon di nila alam dahilan bat ako nag stop. Tulad mo nakokonsensya din ako araw araw lagi din ako naiyak kase gusto ko na magsabi sa family ko pero sa sitwasyon namen ngayon sa family ko mahirap pa sabihin kaya ako nlg nag aasikaso ng mga dapat gawin para maging healthy ang baby ko, wag ka masyado mag pagod at mag isip mag libang ka mag bed rest ka din kase sa sitwasyon mo need mo ng pahinga dahil sa 12 weeks preggy ka nag dedevelop na yung baby mo sa tyan mo kumain kadin sa tamang oras wag ka papalamon sa stress gawin mong lakas baby mo soon masasabi mo din at matatanggap din ng family mo yang baby mo pray lang din always❤️