PLEASE RESPECT MY POST😭😭 "BATANG INA"

18 lang po ako at ang bf ko po ay 20. Nalaman kong preggy ako nitong december 27 2022 nag pt ako tatlo lahat positive umiyak nalang ako kase di ko inexpect na mag positive talaga at bigla nalang dun pumasok lahat ng pag ooverthink ko na baka di matanggap nina mama kase nag aaral pako and ang bata ko pa,pero nag usap kami nang bf ko non kung ano desisyon namen dalwa nung una napagkasunduan pa namen na ipalaglag nalang pero nung habang nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko dahil buntis nga ako wala lang ako ginawa kundi mag dasal at umiyak iniisip ko lahat kung itutuloy namen pero naisip ko nalang na di nalang ituloy dahil sa takot ko sa diyos at ginawa namen to panindigan nalang at sumang ayon din kagad yung bf ko kase di naman nya pinipilit na ipalaglag to kaya naman daw nya kami buhayin ng magiging anak nya takot lang talaga sya sa magiging reaction ng magulang ko dahil saken pa nagka unang apo sina mama tapos naunahan ko pa dalwa kong kua, 3 months na po tyan ko ngayon pero hanggang ngayon tinatago ko padin sa magulang ko pag bubuntis ko natatakot ako na baka di nila matanggap at alam ko na mahirap buhay ngayon ayoko pa sana dumagdag pako sa isipin nila kaya kami nlg ng bf ko nag aasikaso, nag wowork nadin po sya kasabay ng pag aaral mahirap pero kakayanin po para sa baby namen kung ano dapat gawin at inumin para maging healthy at maayos kami baby ko.

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din ako,hindi ko sinabi sa magulang ko kasi alam ko na expect nila sakin pati kamag anak ko,dati nung hindi nako dinadatnan ,nagpt ako and positive sya ,napagusapan din namin na boyfriend ko na ipaglaglag kasi di pa namin kaya at nagaaral pa kami dalawa,so ginawa namin yon paglaglag na bata pero sa hindi ko inaasahan ng akala ko nahulog yung bata sa loob ko,kasi may lumabas ng dugo dugo sakin nun ,kaya inisip ko na nahulog na sya pero hindi ko I expect na hindi pala sya nahulog nun,kaya nakakainom nako ng alak nung kasi ,akala ko nga nahulog na sya sa tyan pero hindi pala ,nabuo pala sya,nagtataka na sila mama at mga pinsan ko na baket lumalaki yung tyan ko,eh payat ako,palagi ako tinatanong ni mama na buntis kaba?sabi ko hindi ako buntis mama,tapos January 16 umuwe kami pangsinan,yung mga pinsan ko babae nahahalata na rin yung tyan ko at ramdam nila may kakaiba sakin dahil nga nagkaroon den sila na anak,edi tumatanggi nga ako hindi buntis,paguwe namin ng makati, January 18ng gabi tinanong nako kung buntis ba ako kasi iba na yung pakiramdam ni mama hindi ganyan yung laki ng tyan,sabi ko hindi ko alam kung buntis ako ma kasi nga nung una pinalaglag ko na eh kahit alam ko bawal sa diyos yon at hindi tama gawin yon,nagalit sila akin at natural lang yon pagalitan ako dahil mali ang ginawa ko pero tinaggap nila parin ako at magiging anak ko ,may galit sa puso nya at hindi nya matanggaap na ganun nangyari sa anak pero naiitidihan ko namn yon eh bilang nanay ko sya, kinabukasan sinamahan ako ng asawa ng Kuya ko nagultrasound kami,may heartbeat yunh bata at mag 6months na yung baby ko sa tyan pero sobrang liit lang ng tyan ko,ang payo ko sayo sabihin mo nalang sa magulang mo alam ko hindi madali sabihin kasi sa expectations mo na nagaaral ka pa pero alam ko matatabggap den nila kayo,blessing yan,wag mong iisipin sasabihin ng iba sayo,tandaan mo,hindi ka nila pinapakain o inaalagaan kaya wala sila karapatan na sabihan kung ano ano,pero tumanggap ka rin namn sasabihin nila sayo kasi yun ang makakabuti sayo yun lang hehe.next month nako manganak sana healthy baby girl ko 🥰🥰

Magbasa pa