Di pa nakakapaglakad si baby na mag-isa

1 year and 2 weeks na si baby. I'm worried lang na takot na siyang tumayo mag-isa. Though ginagawa niya naman 'to before pa siya mag 1 year old and days after ng birthday niya, kaya na niyang maglakad ng 2 steps. Isang beses, naka 4 steps siya. Kaya akala ko, magiging tuloy tuloy na. Pero ngayon, ayaw niya nang bitawan siya. Kung bitawan man siya, uupo siya agad. Pero mahilig siyang maglakad lakad pag may nahahawakan siya o may nakaalalay sakanya. Nagpupush rin siya ng upuan while walking.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

normal lang po yan sa baby, iba iba po bilis ng development ng baby no need to be worried po. He'll walk eventually. You're doing great

1y ago

salamat po!