Kabag (1 month old)

1 month na ngayon ang baby ko pero araw-araw parin siya kinakabag. Pure breast milk naman siya. Ano kaya mga dahilan ng kabag at ano pwedeng gawin para mawala agad yung kabag niya?

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi! FTM din ako, nung ipanganak ko si lo ko nun, Lagi sya naiyak pag gabi.. Tapos nilalagyan ni mama ko NG manzanilla, ookay sya.. Pero halos everyday nlng ganon, kaya pinacheck up na namin sya, tapos while chinecheck sya NG doctor, pinapadede ko sya (formula fed) nakita ni dok ung bote na gamit ko, nakita nya ung butas nung nipple, ang lakas daw NG tulo😔 un ung nagkacause NG colic kay baby, tapos pinapalit din ung milk nya, from bona to NAN SENSITIVE, ayun nawala ung colic.. Tska bumili din ako NG mga nipples NG bote nya 0-6mos, FTM ako at waLa ako ka-ide-idea sa mga nipples NG bote ng baby, kaya nung binili namin, akala ko goods na un.. May mga age pa un. So okay na okay naman na po si baby ko ngyon, nag shift na kmi sa similac tummicare kasi d na sya nag gain NG weight sa Nan sensitive, kaya pinag shift na kami ni pedia nya, + nag reseta din pala si pedia smen nun NG restime.. Para kabag yan😊

Magbasa pa
12mo ago

Goodmorning mi! Baka po D maayos ung pwesto ni baby while nagpapadede ka po? Ang alam ko mi nabibili sya over the counter e.. Try mo po kasi D naman sya antibiotic na need pa reseta.. Pag take-in nyo lang po sya if needed, kasi mahirap namang masanay si baby sa ganon, si lo ko halos 3x ko lng napainom nun, kasi pinalitan ko na ung bote nya eh, kaya umokey din po..

Make sure po na buong nipples and areola ang nasusubo ni baby and dapat po wala ding sound kapag nag lalatch sya. Ganyan din yung baby ko nung 1 month. Paburp lang talaga and maayos na pag lalatch nya, now 3 months na si baby pag di sya nakakaburp nag uutot sya minsan din sya na mismo nagbburp so far di na sya kinakabag naman

Magbasa pa

Make sure po na maayos palage ang pagdede ni baby para wala po makukuhang masyado hangin. Palage rin po ipaburb si baby. Maari din po mag lagay ng manzanilla sa tyan ni baby, para palaging umutot. Or gawin po yung iloveyou massage or immassage po tyan ni baby in clockwise mode po. And also do bicycle exercise po.

Magbasa pa

mi sakin pinalagyan ng byenan ko ng pinatuyo at dinurog na damong maria binalot sa maliit na tela tpos isinabay sa pagbibigkis ayun everyday payapa kame..bf din po ako every hapon kabag xa pero now hindi na

Iwasan mo magpadede ng nakahiga sya,baka mahina pantunaw niya kaya laging kinakabag. Then lagi mo kargahin into upright position kahit mga 30mins lang wag mo ihiga agad.

Make sure nyo po na maayos ang latch ni LO at napapa burp mo sya ng maayos. pero kung ganun pa din po sya everyday better to consult your pediatrician.

Super Mum

make sure po napapaburp si baby. observe nyo din po ang food intake nyo, may mga foods na pwedeng magcause ng gassiness ni baby

Mami sana makatulong

Post reply image