Seafood
Yellow fish
Seafood
Protein, Calcium, Iron, Potassium, Phosphorus, Selenium, DHA, Niacin
Ang mga nagbubuntis ay maaaring kumain ng yellow fish. Nakakapagpababa ito ng blood pressure at nakaka tulong kontrolin ang timbang. Siguraduhin lamang na maluto nang maigi, lalo na kung inorder sa restaurant.
Ang yellow fish ay maganda sa mga inang kakapanganak lamang, upang makatulong sa pagpapagaling. Siksik ito sa sustansya na maganda sa puso at pangkabuohang kalusugan.
Ang mga nagpapasusong ina ay maraming mapapakinabangan sa pagkain ng yellow fin tuna. Ang DHA, protein at calcium ay madaling natatanggap ng katawan kapag kinain ang isdang ito. Ang niacin na nakukuha sa isdang ito ay nakakatulong sa development ng bata sa pamamagitan ng breast milk.
Ang baby ay maaari nang kumain ng yellow fish pagdating ng 9 na buwan na edad. Ang nutrients sa isda na ito ay maganda sa development ng utak at memorya ng baby.