Whole Grains

glass-placeholder

Wheat bran

Whole Grains

Nutrients

Proteins, Carbohydrates, Dietary Fibre, Thiamin, Riboflavin, Niacin, Vitamin B6 and E, Potassium, Iron, Magnesium, Phosphorus

Pregnancy

Ang wheat bran ay nakakatulong sa digestion at magandang source ng fiber sa mga nagbubuntis. Mabuti rin sa buhok at balat ang nutrients nito. Bukod dito, nakakatulong rin sa development ni baby ang nutrients ng wheat bran, lalo na sa kaniyang mga mata.

Postpartum

Punong-puno ito ng fibre, vitamins at minerals, at mababa rin ang calories, kaya't mainam ito sa mga inang kapapanganak pa lamang. Mayroon din itong antioxidant at cancer-fighting properties. Pero mahalagang dahan-dahan muna ang pagkain nito upang masanay ang iyong katawan sa dagdag na fiber.

Breastfeeding

Mainam ang mga whole grains tulad ng wheat bran sa mga nagpapasuso na ina. Ngunit posible rin itong magdulot ng kabag sa iyong baby. Kapag madalas na kinakabag si baby, bawasan muna ang pagkain ng fiber upang makaiwas sa kabag.

Baby

Mabuti sa digestion ni baby ang wheat bran, at nakakabawas rin ito sa constipation. Ngunit siguraduhing bigyan lang nito si baby kapag siya ay 6 months na, at pakonti-konti lang dapat.